Thursday, February 21, 2008

Ang iba't ibang mga "MINSAN" ng buhay

"Paunang Salita"

Karamihan sa blog entries ko ay nakatala sa English, minsan nakakapag Cebuano ako, pero minsan naman nagtatagalog din. Masyado na akong matagal na hindi nakakapag sulat sa wikang Filipino kaya ngayon ay muli kong tatahakin ang pagsusulat sa kolokyal na tagalog. Kaya heto na.

(Unang talata pa lang nahirapan na ako! whew!)

"Katawan"

Ako na siguro yung taong pinaka "inconsistent." Kasi ang dami kong "lagi pero minsan..."

Halimbawa, lagi akong nakikinig ng music bago matulog. Pero minsan, naiirita ako kaya pinapatay ko yung player.

Lagi akong nagtyatyaga na maging maaga sa opisina pero minsan talagang nala-late ako.

Lagi akong nagdadasal pero minsan di ko nagagawa dahil nakakalimutan ko, o wala akong masabi, o talagang wala lang.

Meron din akong mga "ayoko talaga pero minsan..."

Ayoko ng chocolate flavored icecream, pero minsan kinakain ko naman.

Ayoko makipagkaibigan ni *toot* pero minsan masaya naman pala siyang kasama.

Ayoko ng havaianas pero minsan naiiisipan kong bumili.

Meron din akong mga seryosong MINSAN. Yung tipong alam mo kung ano yung tamang gawin pero minsan ay talagang mas pinipili nating magpakatanga. Lagi mong pinipilit na maging masaya pero minsan di mo lang talaga kaya magpaka artista.

May mga tama rin na minsan ay nagiging mali. Tamang magmahal pero mali ka kung maling tao rin ang pagbubuhusan mo. Tamang magsalita palagi ng totoo, pero minsan di talaga maiiwasan na meron kang masaktan.

At may mali rin na minsan ay nagiging tama. Mali ang manakit ng tao pero minsan yun lang talaga ang tanging paraan. Mali ang takbuhan ang isang problema, pero minsan mas nakakabuti rin.

"Pangwakas"

Naisipan kong sabihin to dahil may mga "lagi" sa buhay ko ngayon na aking pinapalitan ng "minsan." Kailangan ko munang iwanan ang aking mga nakasanayan upang makapagpatuloy sa aking buhay at mahilom na ang mga sugat na sa pagka ngayon ay akin pang inaaruga.

Biglang naging sobrang seryoso noh? Pagpasensyahan nyo na at minsan, ganito lang talaga ako. :)

No comments: